BLOW A WHISTLE CAMPAIGN

Isang panawagan para maitigil ang karahasan sa mga kababaihan at mga bata.

Araw-araw, daan-daang kababaihan at mga bata ay may banta ng karahasan o nakararanas ng karahasan.

Sa katunayan, sinumang babae, mula sa kanyang pagkabata, ay nakaranas ng karahasan – maaaring ito ay sa porma ng pananakit, pagnanakaw, panliligalig, abuso, pambubugbog, pangmomolestya, o kaya ay rape.

KAMPANYANG BLOW A WHISTLE NG GABRIELA

Isang kampanya na magpapalawak ng kaalaman at partisipasyon ng publiko tungkol sa karahasan laban sa kababaihan at mga bata. Layunin nitong hikayatin ang mga kababaihan, maging ang komunidad na kinabibilangan nila, ito man ay opisina, pabrika o sa kanillang lokalidad na suporthan ang kanilang kabaro na may banta ng karahasan o nakaranas ng karahasan. Ang kampanya ay mag-uumpisa sa isang pito. Isabit ang pito sa inyong mga leeg. Maaaring ilagay ito sa inyong mga bulsa, wallet, o bag. Ilagay ang pito kung saan madali mo itong makuha at magamit sa panahong nahaharap ka sa panganib.

Ang pito ang siyang magiging simbolo ng pangangailangan natin ng proteksyon. Ng pangangailangan nating itaguyod an gating dignidad bilang mga babae. Ng pangangailangan nating basagin ang kultura ng pananahimik na siyang bumabalot sa karahasan laban sa mga kababaihan at mga bata.

Sa sitwasyon ng ligalig, gumawa ng ingay, pumito at humingi ng tulong!

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>